Marami ng page and group na nagsilitawan sa Facebook na patungkol sa
Treasure Hunting, may ilang websites at blogs din ang tumatalakay sa
paghahanap ng mga natagong kayamanan ng mga hapon. Nakakalungkot lang
dahil sa kabila ng pagsisikap ng bawat isang hunter ay madalas pagkabigo
lang ang nararanasan, ang kayamanang hinahanap ay hindi matagpuan. Ano
ang kadahilanan?
Sa akin pong pag-oobserba merong ilang tao na
nagmamarunong o na nagdudunong-dunungan ang resulta kapaguran at gastos
ang nangyari sa mga taong umaasa. Mga taong nagbibigay kahulugan sa mga
batong nagkurteng hayop raw, mga batong nagbitak o bitak bitak at
sasabihing mga sign iyon.
Iinterpret sa hindi mo malamang kadahilanan, dahil ba gusto lang sabihin na marunong ka? Ang resulta kapag naniwala ang napagsabihan eh di hukay doon, hukay dito kaya dumami ang miyembro ng mga HOKKAIDO.
Tandaan po na ang mga sign ng gawa ng hapon ay sa batong buhay nakaukit, ang pakaguhit nito ay halos kasing laki lang ng isang stick ng sigarilyo o ballpen, at ang tagiliran ng hinliliit na daliri at maidadalayday dito. Ang mga kahulugan naman ng mga sign na nailabas o nakapublish ay mga basic meaning lamang, mas mabibigyan ito ng tamang kahulugan ng mga taong may sapat na kaalaman ukol dito.
Mag-ingat, huwag basta maniwala sa mga taong tila mga nagmamagaling at hindi naman marunong, baka maipahamak pa kayo ng mga ito.
HAPPY HUNTING!