This website will serve for those who have Authentic Japanese Treasure Map in their hand but unfortunately they unable to decipher the meaning of treasure signs and code. We also interpret codes and sign found in treasure site. But it's not for FREE.

E-mail: treasuresecretcode@gmail.com
secret.treasurecode@gmail.com

Page Update:

Saturday, November 10, 2007

KAYAMANAN NG CAMARINES NORTE ALAMAT O KATOTOHANAN?

“Ginto, Ginto ng Paracale mawala man di bali.”
Sa atin sa Camarines Norte, bihirang taga-rito ang hindi nakababatid ng nasabing kasabihan. Dahil sa pagiging sagana ng ating lalawigan sa ginto, na maging nuong pang bago dumating ang mga Castila ay tanyag na sa nasabing yaman. Kaya nang dumating dito ang mga dayuhan sila’y namangha hindi lamang sa ganda ng ating lugar kundi sa mga hiyas na suot ng mga katutubong naninirahan sa ating bayan.

Dito kanilang nasaksihan kung papaanong parang walang halaga ang katakut-takot na gintong naging palamuti lamang sa mga hardin at ang mga kababaihan lalo na ang mga maharlika, abot paa ang haba ng mga tinuhog na butil na ginto. Gayon din ang makikita natin sa mga kalalakihan na ang bola ng gintong may cadena ay naka-kabit sa kanilang baywang.

Sa panahong ito, pagkalipas ng apat na raang taon, ang ginto dahil sa taglay niyang kinang ay naging mahalaga sa buhay ng tao. Sapagkat maraming tao ang naakit at nasilaw sa maidudulot nitong yaman sa kanilang buhay. Na ikinapahamak naman ng maraming tao, na nagkakandarapang makakuha nito. Kahit sabihing ang kapalit nito ay buhay, makamtan lamang ang nasabing kayamanan. Ito ang siyang nagbunsod sa tao upang humanap ng kayaman nakabaon sa lupa sa pag-asang sa pamamagitan nito ay magtatamo sila ng ginhawa sa buhay, at mahango sa hirap na kanilang kinasasadlakan. Ang iba naman naghahanap nito, para lalo pa silang yumaman at maging makapangyarihan.

Ano pa’t karaniwan na nating naririnig ang usap-usapan tungkol sa treasure hunting, na magpahanggang sa ngayon ay kinahuhumalingan ng mga taong gustong yumaman sa madaliang pamamaraan hindi lamang sa ating lalawigan kundi maging sa buong bansa. Kaya’t lagi tayong nakakarinig ng balita na ang mga pinagdududahan lugar na pinagkampohan nuong panahon ng Japon, ay makikita nating butas-butas ang ilalim sa dami nang naghuhukay.

Ngunit totoo nga kayang may naiwang kayaman ang mga Japon nuong panahon? Ito ang siya nating magiging pinakapaksa para ang mga bagay na ito ay ating malinawan. Ngunit para ganap nating malinawan ang katotohanan hinggil sa bagay na ito, nararapat na maging parang detective tayo na maingat na sinusuri ang bawat angulo ng nasabing kayamanan. Upang ang bawat kilos natin ay maging tama at tumpak na ang bawat panahon ay maging ginto sa atin, at hindi masayang ang ating pagod at salapi. Sapagkat napakaraming pumasok sa larangang ito ng treasure hunting ang makikita nating gumagamit ng iba’t-ibang pamamaraan matagpuan at makamtan lamang ang sinasabing nakabaong kayamanan; kung totoo man ito o hindi.

Nariryang may mga treasure hunters na gumagamit ng pendulum sa paghahanap ng mga nakabaon o nawawalang kayaman. Ang iba nama’y gumagamit ng German sticks, medium o pag-aalay sa pinaniniwalan nilang encanto na nagbabantay sa mga kayamanan. Ngunit para hindi tayo maligaw iisa-isahin nating talakayin ang mga ito, sapagkat marami na ang sumubok nang mga pamamaraang nabanggit ngunit, hindi napatunayan kung alin sa mga ito ang mabisa sa paghahanap ng ginto. Kung sa pamamagitan ng espiritismo o sciencia.

No comments:

Treasure Hunters Counter

LIKE US!