This website will serve for those who have Authentic Japanese Treasure Map in their hand but unfortunately they unable to decipher the meaning of treasure signs and code. We also interpret codes and sign found in treasure site. But it's not for FREE.

E-mail: treasuresecretcode@gmail.com
secret.treasurecode@gmail.com

Page Update:

Sunday, November 18, 2007

THE SUPER SIZED TEKTITES IN CAMARINES NORTE

Camarines Norte have a unique tektites in the world. One could found in the area of the province, the most amazing of this called Bisnuh (tektites) one could see certain markings that is believe to be made by gold.
FILIPINIANA (by: Ruel A. Mayo)
Stegodon (Elephas Beyeri)

Fossils of the stegodon, an extinct elephant-like mammal believed to be two million years old, were discovered in Trece Hermanas quarry in Barangay Peñafrancia, Marikina in July 1986 by the National Institute of Geological Science (NIGS) of the University of the Philippines. Dr. Walter Scholl, a visiting Geology professor, confirmed the fossil as those of Stegodon-a dwarf elephant with four long tusks.

THE SUNDAY TIMES MAGAZINE JULY 26, 1987

STONE-AGE ARTIFACTS FOUND IN BICOL

Cave men lived here 3,000 years ago

SORSOGON, Sorsogon (ANFI) – From a nearby rain forest, a man in hairy animal clothing emerges carrying a wild boar on his shoulder while a woman, apparently his wife, builds a fire in the yard. She keeps an eye on her two naked frolicking small boys.

Their cogon house, almost similar in shape to the snow house of the Eskimos has only one opening, a door showing the damp, dark interior of the dwelling. The house has no windows.

This was what people saw in their minds when reports came out that artifacts about 3,000 years old, were discovered in a limestone cave in barrio Bato Bacon, Sorsogon, sometime ago.

They surmised that the first cave man walked in Bacon thousands of years ago.

The artifacts which consisted of burial jars with human bones intact, stone implements and drinking cups and used by the early cave dwellers were found by a team of archeologists headed by Dr. Robert Fox in 1956.


The description of the first cavemen in Europe: farmers cultivating green crops and using pottery and other stone implements is not much different from the description of the first ancient man in Bicol.

The oldest relics of man were found in 1977 by Mrs. Mary Leakey, a British lady archeologist, beneath the volcanic ashes at Latolil in Tanzania, Africa. The relics consisted of some teeth and jawbone of an adult, about 3,700 years ago.

Absalon Empleo, an investigator of the Commission on Human Rights in Sorsogon, Sorsogon, who is making a research on the history of the town said that another ancient burial site which yielded 2,000-years-old artifacts was discovered in San Juan, Bacon, Sorsogon.

The artifacts now at the National Museum in Manila will be sent back to Bacon when the town has finished building a museum for cultural treasures.

(Asian News & Features)

Saturday, November 10, 2007

YAMASHITA TREASURE

MAY LIMAMPUNG taon nang tapos ang Ikalawang Digmaang Pandaiddig. Pero may isang kontrobersyal na isyung pinagkakagulohang magpahanggang sa ngayon. Ang alamat ng kayaman ni Yamashita, na kabuntot nang ating ala-ala na hindi pa rin mapawi sa utak ng mga Pilipino, at, marahil, pati na rin sa mga banyaga na dumarayo rito upang hanapin ang nawawalang katakut-takot na ginto. Ito ang kayamanang ipinabaon umano ni Tomoyuki Yamashita, isang heneral ng imperyal na hukbong sandatahan ng Japon na nadestino rito noong panahon ng digmaan.

Sinasabing ang kayamanang ito ay binubuo ng mga nakaw na kayamanang galing sa mga ibang bansang Asyano na sinakop ng Japon noong panahong iyon. Hinakot daw ni Heneral Yamashita mula sa Malaya, Singapore, Thailand at iba pa ang maraming alahas, mga gintong pigurin – kasama na ang bantog na gintong Buddha – at mga gintong bara.

Sangayon sa mga kuwento, dinala raw ni Yamashita ang mga kayamanang ito sa Pilipinas nang madestino siya rito noong 1942. Sa pagaakalang mananalo sila sa pakikidigma laban sa America, at ang Filipinas ang gagawin niyang bantayog o colonia ng kanyang kapangyarihan. Pero nang malapit na raw magapi ang pwersa ng Japon dito, dala-dala pa rin ni Yamashita ang mga kayamanan sa kanyang pagtakas.

Kasama ng kanyang mga sundalo, si Yamashita ay lumaban pa rin sa mga pwersa ng mga Amerikano patungong Bulubundukin ng Caraballo, malapit sa Benguet at Nueva Ecija. Tangay-tangay pa rin daw ni Yamashita ang mga kayamanan at ipinabaon niya ang mga ito sa mga kuweba sa Ifugao. Pagkatapos ipinapatay niya umano ang mga sundalong nag-asikaso sa pagbabaon ng mga kayamanan sa pagnanasang mailihim ang lugar na pinagtaguan nito. At ang isa pang dahilan kung bakit ito ginagawa ay sangayon sa kanilang paniniwala na ang mga binaong tao o sundalong kasama na nasabing kayamanan, ang magsisilbing bantay upang iligaw ang sino mang nagtatangkang hukayin ito. Kaya may mga treasure hunters, na dahil sa paniniwalang ito’y nag-dadala ng alay para sa kanila at sa mga encantong naka-bantay sa nakabaong ginto. Upang sa pamamagitan nito, hindi magalit ang Bantay at mapayapang ibigay sa kanilang ang naturang kayamanan.

Nang sumuko ang Japon sa mga Amerikano noong 1945, hinuli si Yamashita at binitay dahil sa kanyang mga kasalanang nagawa noong panahon ng digmaan. Pero hindi sumama sa kanyang kamatayan ang lihim ng kanyang ipinabaong kayamanan. Pilit itong umukilkil sa ala-ala ng mga taong nakasaksi sa mga pangyayari at parang may batobalaning nangaakit upang ito’y hanapin at hukayin. Kaya nang matapos ang digmaan, marami ang nagkainteres sa paghahanap nito.

BURIED TREASURE IN ISLAND (Somewhere in Calaguas)




CAMARINES NORTE TREASURE


Sangayon sa mga mapagkakatiwalaang salaysay, bago raw magkadigma sa panahong nag-aaral si Yamashita sa America, nagkita sila duon ni Hitler. Dito napag-usapan nila ang plano nang pakikidigma at ang tunkol sa kayamanan. Nang dumating ang panahon ng digmaan, sapagkat nakapag-aral si Yamashita sa kanluran, hindi siya binigyan ni Emperor Hirohito ng mga pangunahing suporta sa nasabing digmaan. Kaya ang ginawa ni Yamashita kumuha siya ng mga mercenario sa mga bansang nasakop nila nuon tulad ng Korea at China. Dito marami siyang nakuhang mga bayarang tauhan, na karaniwang mga takas at kriminal sa kanilang bansa.Ang mga kayamang nakuha nila sa mga lugar na nabanggit mulang Korea hanggang Malaya, duon nila nakuha ang mga nasabing kayamanan.

Ang mga kayamanang nakulimbat nila sa mga lugar na kanilang dinigma ang naging kabayaran sa mga nasabing Mercenario. Kanya-kanya silang dambong sa bawat lugar na kanilang nilulusob. Ngunit ang malalaking imahin at iba pang kasangkapang ginto ay mismong pinamahalaan ni Yamashita ang pag-papatunaw para gawing mga bara ng ginto. At ang lahat niyang nakulimbat ay isinakay sa barko para dalhin sa Tokyo, Japan. Ngunit sa kasawiang palad nasabat nila ang mga carrier ng Allied Powers, sa karagatan ng Midway nuong mga huling taon ng 1944. Kaya ang balak na pagdadala ng limang barkong kayamanang naglalaman ng mga bara ng ginto at mga diamante, ay naudlot.

Ngayon, wala silang ibang alternatibo, kundi ang hanapan ito ng lugar na mapagtataguan. Nagkataon namang ang rutang binaybay nila sa Pacifico ay malapit sa Bicolandia. Kaya dali-dali silang dumaong sa isa sa mga isla ng Pacifico na walang iba kundi ang Caringo sa Camarines Norte. At kaagad nilang isinampa ang mga nasabing kayamanan na nakalagay sa mga kahon. Dito naghanap silang magandang pagtataguan sa mga kabundukan ng Camarines Norte. At sa pamamagitan ng mga cable ang nagbibigatan kahon ng ginto, ay dali-dali nilang inakyat patungo sa lugar ng treasure site. Tatlong buwan silang inabot sa pagbabauon sa mga nasabing kayamanan na umabot hangggang April 1945. Ang bawat lugar at bundok na kanilang pinagbaunan ay kaagad naman nilang linagyan ng mga palatandaan upang sa kanilang pagbabalik, kaagad nila itong matutuntun. Dahil hindi pa nila lubos na naitatago ang iba pang laman ng barko ang dalawang natitirang barko ay kanilang pinalubog sa dagat Pacifico.

Dito nag-iwan sila ng mga code sign o palatandaan na kung sakali mang manalo o matalo sila ay muli nilang mabalikan ang nasabing lugar. Kaya magpahanggang sa ngayon kung kayo’y pupunta sa isla ng Caringo, makikita ninyo ang mga code sign, o mga palatandaan na gawa ng mga Japon nang panahong yaon. Sa panahong isinasagawa ito, ang ampon ni Admiral Yamashita na si Akieko Shien, na ngayon ay Mrs. Ong na anak naman ng isang Filipina, ang gumaya sa mga narturang codigo nuong bata pa siya at kasama ni Yamashita sa pagtakas. Sa pag-aakala ni Yamashita na ito’y gumagawa lamang ng kanyang aralin pinabayaan niyang gayahin ng kanyang anak-anakan ang mga nasabing mapa ng kayamanan. Ngunit sa panahong yaon hindi niya alam kung anong pangalan ng lugar na pinagbaunan ng kayamanan maliban sa mapa at drowing niyang hugis ng bundok. Nitong 1985 pumunta si Mrs. Ong sa Daet, na nagkaasawa ng isang Singaporean. Dito tumuloy siya sa isang pangunahing Hotel sa Daet, at hinanap niya ang bundok ng Salakot at sangayon sa kanyang mapa duon naibaon ang malaking bahagi ng kayamanan ni Admiral Yamashita, na patuloy na pinaghahanap ng mga Treasure Hunters, magpahanggang sa ngayon.

KAYAMANAN NG CAMARINES NORTE ALAMAT O KATOTOHANAN?

“Ginto, Ginto ng Paracale mawala man di bali.”
Sa atin sa Camarines Norte, bihirang taga-rito ang hindi nakababatid ng nasabing kasabihan. Dahil sa pagiging sagana ng ating lalawigan sa ginto, na maging nuong pang bago dumating ang mga Castila ay tanyag na sa nasabing yaman. Kaya nang dumating dito ang mga dayuhan sila’y namangha hindi lamang sa ganda ng ating lugar kundi sa mga hiyas na suot ng mga katutubong naninirahan sa ating bayan.

Dito kanilang nasaksihan kung papaanong parang walang halaga ang katakut-takot na gintong naging palamuti lamang sa mga hardin at ang mga kababaihan lalo na ang mga maharlika, abot paa ang haba ng mga tinuhog na butil na ginto. Gayon din ang makikita natin sa mga kalalakihan na ang bola ng gintong may cadena ay naka-kabit sa kanilang baywang.

Sa panahong ito, pagkalipas ng apat na raang taon, ang ginto dahil sa taglay niyang kinang ay naging mahalaga sa buhay ng tao. Sapagkat maraming tao ang naakit at nasilaw sa maidudulot nitong yaman sa kanilang buhay. Na ikinapahamak naman ng maraming tao, na nagkakandarapang makakuha nito. Kahit sabihing ang kapalit nito ay buhay, makamtan lamang ang nasabing kayamanan. Ito ang siyang nagbunsod sa tao upang humanap ng kayaman nakabaon sa lupa sa pag-asang sa pamamagitan nito ay magtatamo sila ng ginhawa sa buhay, at mahango sa hirap na kanilang kinasasadlakan. Ang iba naman naghahanap nito, para lalo pa silang yumaman at maging makapangyarihan.

Ano pa’t karaniwan na nating naririnig ang usap-usapan tungkol sa treasure hunting, na magpahanggang sa ngayon ay kinahuhumalingan ng mga taong gustong yumaman sa madaliang pamamaraan hindi lamang sa ating lalawigan kundi maging sa buong bansa. Kaya’t lagi tayong nakakarinig ng balita na ang mga pinagdududahan lugar na pinagkampohan nuong panahon ng Japon, ay makikita nating butas-butas ang ilalim sa dami nang naghuhukay.

Ngunit totoo nga kayang may naiwang kayaman ang mga Japon nuong panahon? Ito ang siya nating magiging pinakapaksa para ang mga bagay na ito ay ating malinawan. Ngunit para ganap nating malinawan ang katotohanan hinggil sa bagay na ito, nararapat na maging parang detective tayo na maingat na sinusuri ang bawat angulo ng nasabing kayamanan. Upang ang bawat kilos natin ay maging tama at tumpak na ang bawat panahon ay maging ginto sa atin, at hindi masayang ang ating pagod at salapi. Sapagkat napakaraming pumasok sa larangang ito ng treasure hunting ang makikita nating gumagamit ng iba’t-ibang pamamaraan matagpuan at makamtan lamang ang sinasabing nakabaong kayamanan; kung totoo man ito o hindi.

Nariryang may mga treasure hunters na gumagamit ng pendulum sa paghahanap ng mga nakabaon o nawawalang kayaman. Ang iba nama’y gumagamit ng German sticks, medium o pag-aalay sa pinaniniwalan nilang encanto na nagbabantay sa mga kayamanan. Ngunit para hindi tayo maligaw iisa-isahin nating talakayin ang mga ito, sapagkat marami na ang sumubok nang mga pamamaraang nabanggit ngunit, hindi napatunayan kung alin sa mga ito ang mabisa sa paghahanap ng ginto. Kung sa pamamagitan ng espiritismo o sciencia.

Treasure Hunters Counter

LIKE US!